Search This Blog

Wednesday, September 22, 2010

my grandparents

SARIO FAMILY AUSTRIA FAMILY


Tuesday, September 14, 2010

gr. 6 - st. peter overnight retreat at tagaytay - Sept. 14, 2010

kuya don and kuya allan asked aerky protacio about his realization in the johari's window they listen attentively to the facilitators














Thursday, August 12, 2010

Isang nakakaaliw na kwento mula sa aking kabataan

Ito ang kapayapaang alam natin noong wala pang kaunlaran. Si nanay ay nasa bahay pag uwi natin galing sa paaralan. Walang mga bakod at gate ang magkakapit-bahay. Kung meron man, gumamela lang. Pwedeng iwan ang sasakyan at ibilin sa hindi mo kakilala. Wala namang lock ang mga jeep na Willy's noon. Sampung sentimos o diyes lang ang baon: singko sa umaga, singko sa hapon. Merong free ang mga patpat ng ice drop, buko man o munggo. 'Di binibili ang tubig at pwede kang makiinom sa 'di mo kakilala. Mataas ang paggalang sa mga guro at ang tawag sa kanila ay maestro at maestra. Grabe na ang kaso pag napatawag ka sa principal's office o kaya malaking kahihiyan kapag bumagsak ka sa exam. Simple lang ang pangarap noon: makatapos, makapag-asawa, mapagtapos ang mga anak. Malaking bagay na ang pumunta sa ilog o kaya sa tumana para mag picnic.Mayroon kaming mga laruan na gawa namin at di binili: trak-trakan na gawa sa Rosebowl ang katawan at Darigold na maliit ang mga gulong, helikopter na lata ng gatas at kawayan ang hawakan para itulak at umikot ang elisi, patining na tansan lang na may 2 butas sa gitna para suotan ng sinulid (pwede nang makipaglagutan); paltok, sumpit, sangkayaw, syato, kadang-kadang, atbp. Di nakikialam ang mga matanda sa laro ng mga bata, kasi laro nga iyon.Maraming usong laro at maraming kasali: lastik, gagamba, trumpo, tatsi ng lata, teks, holen, paramihan ng binuhol na lastiko at marami pang iba. Bahay-bahayan at tinda-tindahan. Pera namin ay kaha ng Phillip Morris, Marlboro, Champion (kahon-kahon yon!) o kaya balat ng kendi. Ang barya namin ay mga maliliit na bato. May dagta ng langka ang dulo ng tinting na hawak mo kasi manghuhuli ka ng tutubi. Butas na ang sakong ng Spartan mong tsinelas, suot mo pa rin.Sa modernong buhay at sa lahat ng kasaganaan sa teknolohiya, minsan nangarap ka na rin. Mas masaya noong araw! Sana pwedeng maibalik...takot tayo ngayon sa buhay kasi maraming napapatay, nakikidnap, maraming addict at masasamang-loob. Noon, takot tayo sa ating mga lolo't lola at mga magulang. Balik tayo sa nakaraan kahit saglit...bago magkaroon ng internet, computers at noong wala pang mga drugs at malls. Bago pa nauso ang counter strike at mga game boys.Tayo noon...doon! Tinutukoy ko ang harang taga o tumbang preso o taguan kapag maliwanag ang buwan. Habulan taya hanggang may natatapunan ng ihi sa erenula dahil pumapasok tayo sa ibang bahay para magtago at para hindi mataya. Ang nanginginig na pag-uwi sa gabi kasi nakinig ka ng dramang nakakatakot tulad ng “gabi ng lagim” at “zimatar”sa DZRH sa transistor radio sa kapitbahay nyo. Takot nang umuwi dahil sa kapapanood ng Regal Shocker tuwing biyernes at FPJ sa tuwing sabado. Pagaabang ng Thats Entertainment sa hapon.Unahan tayo sa pagsagot sa multiplication table na kabisado naman natin kasi wala namang calculator. Abacus lang ang meron. Nutri Bun na 10 o 15 centavos lang, yellow corn na ginagawang pulvoron, bulgur, sako-sakong gatas. Libre ang lahat ng ito kapag kabilang ka sa mulnourish na kasama sa feeding. Swerte mo libre ka na sa pagkain.Pag-akyat natin sa mga puno, pagtakbo dahil hinabol ka ng bubuyog, pagkakabit ng kulambo, lundagan sa kama, pag-iigib sa balon o poso. Paglalaba sa sapa o ilog, Nginig na tayo pag lumabas na ang yantok o buntot page. Nai-sako ka rin ba? O kaya naglagay ng karton sa puwet para di masakit ang tsinelas o sinturon? Pamimili ng bato sa bigas; tinda-tindahan na puro dahon naman, bahay-bahayan na puro kahon. Naglako ka ba ng ice candy o kakanin noong araw? Karera sa takbuhan hanggang maubos ang hininga, pagtawa hanggang sumakit ang tiyan."Susmaryosep!" ang naririnig mo pag nagpapaligo ng bata, "Estigo Santo" pag nagmamano sa matatanda. Mapagod sa kakalaro, minsan mapalo, takot sa "berdugo" at "kapre".Pag recess, mamimili ka sa garapon ng tinapay - alembong, taeng kabayo o sunflower. Pwede ring ang sukli ay kending Vicks o kaya karamel. Mauling na ang mukha at halos mapugto na ang hininga mo sa kaiihip kasi mahirap ang magpadikit ng apoy. Madami pa...masarap ang kamatis na pinunit sa kamay hanggang lumabas sa pagitan ng mga daliri para sa sawsawan ng pritong isda, ang duhat kapag inalog sa asin, ang isa-isang isubo ang daliri kasi may mga nakadikit na kanin. Halo-halo na yelo, asukal, sago, kamote na may iba't-ibang kulay at gatas lang ang sahog. Paika-ika ang lakad mo kasi bakasyon na at bagong tuli ka. Naghahanap ng chalk kasi tinagusan ka ng palda mo sa eskwelahan. Lipstick mo ay papel de hapon at dagta ng cypress ang ginamit mong pangkyutiks.Naglululon ng banig pagkagising, matigas na almirol ang mga punda at kumot; madumi ang manggas ng damit mo kasi doon ka nagpapahid ng sipon, di ba? Pwede rin sa laylayan. May mga programa pag Lunes sa paaralan, may pakiling kang dala kung Biyernes kasi mag-i-is-is ka ng desk, dahon ng saging at madre kakaw ang floorwax, Di ba masaya? Naaalala mo pa? Wala nang sasaya at gaganda pa sa panahon na yon. Masaya tayo noon at masaya pa rin tayo ngayon pag naaalala yon.Di ba noon, ang mga desisyon ay ginagawa sa awit, "sino sa dalawang ito? Ito ba o ito?" Pag ayaw ng resulta, di ulitin. "Alin ba sa dalawang ito, ito ba o ito?"Presidente ng klase ay ang pinakamagaling, hindi ang pinakamayaman. Naaasar ka kapag marami kang sunog sa sungka o matagal ka nang taya sa holen. Tuwang-tuwa ka sa salong-suso sa larong jack stone, chinese garter, sipa na mga dahon ng halaman ang gamit . Di natutolog si nanay, nagbabantay pag may trangkaso tayo. Meron tayong sky flakes at royal sa tabi o kaya mainit na Royco. Di ba? Pustahan tayo, nakangiti ka pa rin hanggang ngayon.